Ika-4 linggo ng panahon ng Kwaresma, C

Bagong nilalang kay Kristo

Para sa ika-10 ng Marso 2013, sanggayong panahon C, Lk. 15: 1- 3, 11 - 32

   Gamitin natin ang mga araw ng Kwaresma upang maging buhay ang ating pananampalataya.  Ayon sa sulat ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, tayo ay mga “bagong likha” ni Kristo.  Paano ba tayo magiging mga “bagong likha” ng Diyos?
   Una, kailangan nating malaman na ang pinag-ugatan natin bilang tao ay hindi kasalanan kundi ang Diyos, na patuloy tayong nililikha ayon sa kanyang wangis.  Pumapayag ba tayong maging ‘kawangis ng Diyos’?
   Ikalawa, kailangan maging “mapaglikha” sa pagpapalaganap at pagpapalalim ng pananampalataya at maipalaganap ang Mabuting Balita lalo na sa mga kabataang bago pa lamang natututo tungkol dito.
   Ikatlo, dahil nililikha tayo ng Diyos kay Kristo, kailangang sumang-ayon tayong ‘mabuntis’ at mag-anak ng mga magiging mga anak ng Diyos tungo sa pagiging isang sangkatauhang binabago ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.  Tanggapin natin ang hamon na maging Katoliko hindi lamang sa pangalan kundi sa gawa.  (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba