Unang linggo ng Kwaresma

Unang alay

para sa ika-17 ng Pebrero,  sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52

Sa unang pagbasa, pinaalala ni Moises sa bayan ng Israel na sila’y alipin ngunit pinalaya na ng Diyos at tinaguriang Kanyang bayan.  At bilang pagtanaw ng malaking utang na loob sa Panginoon, inalay nila ang kanilang unang bungang nararapat ialay sa Kanya.  Yumukod pa sila bilang tanda ng paggalang at pagsamba sa Dakilang Diyos na may-ari ng langit at lupa.

   Sa pagpasok ng Kwaresma, hindi kaya dapat isipin na rin natin ang unang bunga na ating ihahandog sa Panginoon?  Hindi lamang pagbabagong-loob, hindi lamang spiritual ang pagturing natin sa Diyos kundi ang unang bunga, ang “the best” na bunga ng ating buhay ay para lamang sa Kanya.  Kaya pagnilayan ang tamang paghahanda sa Kwaresma – manalangin upang pahalagahan ang Diyos at hindi sarili; mag-ayuno upang makiisa sa Kanyang gagawing sakripisyo; at magkawangga, sapagkat utang nating paglingkuran ang mga aba at nangangailangan.  (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba