Kapistahan ng Sto. Niño

Pagiging bata

para sa ika-20 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52

Sa Dakilang Kapistahan ng Sto. Niño, pinaalalahan tayo ng Inang Simbahan na huwag ituring na anting-anting o instrumento ng pagiging swerte ang kanyang banal na imahe, kundi gawing modelo ang Batang si Hesus bilang isang batang may malinis na puso.
   Ang pagiging bata ng Panginoo’y nangangahulugan ng pagtalima’t pagkadalita.  Ang bata’y tumatalima sa kanyang Ama.  Siya ri’y abang walang inaasahan kundi ang Ama.   Ikalawa, nilalarawan ng batang si Hesus ang kadakilaan ng Diyos Ama na Siyang nagkakaloob sa atin ng buhay dito sa lupa.  Nawa’y magpakumbaba tayo sa harap ng ating Ama.  Ikatlo, huwag nating dulutan ng kasalanan o iskandalo ang mga bata dala ng makasalanang pamumuhay.  Igalang din natin ang proseso ng buhay, simula sa paglihi nito.  Igalang ang buhay na nasa sinapupunan ng ina.
   Tularan natin si Hesus na tapat na Anak ng Diyos Ama para sa ating lahat. (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba