ika-4 linggo ng karaniwang panahon, C

Dumaan si Hesus

para sa ika-4 ng Pebrero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 4: 21 - 30

Dumaan si Hesus at umalis matapos na ipagtabuyan siya ng kanyang mga kababayan dahil sa kawalan ng pananalig sa kanya. Bagama’t namangha sila kay Hesus noong siya’y nagbasa sa sinagoga, hinamak naman nila ang kanyang pagkatao dahil kilala nila ang kanyang mga magulang.  Saan ngayon nanggaling ang kanyang kapangyarihan?
   Sinabi ni Hesus, “Walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan.”  Wala silang tiwala sa kapangyarihan ni Hesus. Alam din ni Hesus ang kanilang layunin. Ayaw niyang maniwala sila sa kanya dahil lamang sa kababalaghan kundi sa pagtanggap sa kanya ng buong kalooban at hindi napipilitan lamang.
   Ganoon din ang gagawin ni Hesus sa atin - dadaanan lang tayo dahil di natin siya napapansin.  (Fr.  Maico Rescate)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba