Posts

Showing posts from 2013

ika-5 linggo ng panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Huwaran sa Pagmamahal Para sa ika-28 ng Abril,  Gospel: Jn. 13, 31 - 33. 34 - 35 “This is what I do. And I do it with my heart. I do this with my heart because it is my duty, as a priest and bishop I must be at your service. But it is a duty that comes from my heart and a duty I love. I love doing it because this is what the Lord has taught me.”    Ito ang bahagi ng homilia ni Pope Francis sa Misa ng Huling Hapunan bago niya hinugasan ang mga paa ng mga batang bilanggo at may kasama pa na isang babaing Muslim. Tunay lamang na ang ating bagong Santo Papa ay nagsasabuhay ng ayon sa bilin ng ating Panginoong Hesus sa Ebanghelyo na magmahalan gaya ng kanyang pagmamahal.    Ito rin ay hamon sa atin na magmahal ng gaya ng pagmamahal ng Panginoong Hesus at hindi lamang ayon sa ating pansariling kagustuhan o batayan lamang.  (Fr.   Alex Pelayo)

ika-4 linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay

Mga niligtas ng Panginoon para sa ika-21 ng Abril 2013, sanggayong panahon C, Jn. 10, 27 - 30 Inaanyayahan tayo ng mga pagbasa na maging mulat lalo na sa mga espiritual na bagay, lalo na yaong may kinalaman sa katapusan ng ating buhay.   Mula sa Pahayag, matatanaw ang di mabilang na mga taong may puting kasuotan at hawak-hawak ang palaspas para sa Panginoon; kasama kaya tayo sa lupong iyon ng mga naligtas?     Ikalawa, nilinis ang kanilang mga kasuotan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.  Hinayaan ba nating linisin ng Panginoon ang ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit at kamatayan sa krus?   Ikatlo, hindi na sila magugutom dahil dadalhin sila ng Mabuting Pastol sa pook na may bukal ng buhay na tubig.  Tinatanggap ba natin na tanging si Kristo lamang ang bumumuhay sa atin at sa ating pamilya? Handa rin ba tayong maging pastol para sa mga nagugutom na kawan ng Panginoon?   Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili na alagaan ng Mabuting Pastol.  (Fr. Lito Jopson)

ika-3 linggo ng Panahon ng Muling Pagkabuhay

Pananampalataya, ipakita sa gawa Para sa ika-14 ng Abril 2013, sanggayong panahon C, Jn. 21, 1 - 19 Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo na palalimin natin ang ating pananampalataya.  Ang pagiging luma nating Katoliko ang pumapatay sa pananampalataya ng ating mga anak at ng mga sumusunod na henerasyon.  Halimbawa, ang pagiging Katoliko ay hindi lang dahil sa pinanganak tayong Katoliko kundi ang pinakadiwa nito’y ang pagkakaugat natin kay Kristo.  Ikalawa, huwag po tayong maging “Sunday Catholics” lamang.  Ang saklaw ng pagka-Katoliko natin ay ang buong buhay natin at lahat ng umiiral sa ating mundo.   At ang pinakamalungkot sa lahat ay ang “split-level Catholics”, na ibig sabihin, Katoliko pa rin ang turing habang nagpapatuloy ang makasalanang pamumuhay na tila walang pagkakamaling ginagawa.  Paanyaya ni Kristo na maging Katoliko tayo sa isip, sa salita, at sa gawa.  Tularan natin ang atas ng Panginoon kay Pedro bilang tanda ng isang buhay na pananampalataya, “Pakanin mo ang aking kawan

Ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay, C

Kapayapaan! para sa ika-6 ng Abril, sanggayong panahon C Jn. 20, 19 - 31 Inulit-ulit ni Hesus ang isang salitang sagisag ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay: kapayapaan.    Ano ang ibig sabihin ng kapayapaan?  Hindi nito ibig sabihin ang kawalan ng gulo sa paligid.   Hindi matatamo ang kapayapaan dahil may armas na nag-aabang sa harap ng mga tao.  Bagkus, magkakaroon ng kapayapaan kung ang tao’y namumuhay sa daigdig nang may katarungan at kaayusan.  Ikalawa, magkakaroon ng kapayapaan kung hangad natin ang pag-unlad ng buhay ng bawat isa at hindi lamang pansariling buhay.  Hangarin nating mapalaya sila sa anumang pagkaalipin pumapatay sa daigdig na ito. Ikatlo, ang kapayapaan at pananampalataya’y mahigpit na magkaugnay.  Kung ang mga tao’y may pananalig sa Diyos at namumuhay ayon sa kanyang mga turo, sila’y nagiging instrumento ng kapayapaan sa kanilang kapwa, at ang buong mundo’y namumuhay sa kapayapaan ng Diyos at ng bawat isa.     Walang daan sa kapayapaan.  Ang kapayap

Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Nawawalang katawan Para sa ika-31 ng Marso,  Jn. 20: 1-9 Nanampalataya ang mga alagad bagamat di nakita ang katawan ni Kristo.  Pagkapasok ni Pedro sa libingan at sumunod ang alagad na unang dumating, “nakita niya ang mga telang nakatiklop at siya’y naniwala.”  Tumambad din kay Maria Magdalena ang tanawing ito.    Kung sila ay lubos na nalungkot sa pagkamatay ni Hesus sa krus, lalo silang nalungkot sa nawalang katawan ni Hesus.    Ang mga alagad na lubos na nalungkot sa pagkawala ng katawan ni Hesus ay naniwala sa magandang balita na si Hesus ay muling nabuhay.  Ito ang pinakadakilang katotohanan na di nila nalimutan - Si Hesus ay muling nabuhay.    Di man natin nasaksihan ang muling pagkabuhay, tanggapin natin ito sa pananampalataya na si Hesus ay muling nabuhay. Tayo’y magsaya, Siya ang ating kaligtasan.  (Fr.   Maico Rescate)

ika-5 linggo ng Kwaresma, C

“Intimacy” para sa ika-17 ng Marso 2013,  sanggayong panahon C, Jn. 8, 1 - 11    Napakagandang tema ang “intimacy” hindi lamang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa kundi lalo na sa Diyos.  Dapat nating tanungin sa sarili, “Kakilala ba natin ang Diyos nang higit sa pagkakakilala natin sa ating kapwa?”    Ang pagkakakilala’y nangangailangan ng tunay na pagkakaisa ng nagmamahal at minamahal; tulad ng Diyos sa ating lahat.  Si Kristo ang sakramento ng Ama.  Handa ba tayong maging buhay na sakramento ni Kristo sa ating kapwa?    Ang pagkakakilala’y nangangailangan ng walang pasubaling pagpapatawad na humihilom ng pakikipag-ugnayan; tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin.  Panghuli, tinatalaga na maging kalarawan ng minamahal ang namamahal sa kanya; tulad ni Kristo na siyang naging Daan, Katotohan, at Buhay tungo sa Ama.  Palalimin natin ang pagkakakilala natin sa Diyos.   (Fr. Lito Jopson)

Ika-4 linggo ng panahon ng Kwaresma, C

Bagong nilalang kay Kristo Para sa ika-10 ng Marso 2013, sanggayong panahon C, Lk. 15: 1- 3, 11 - 32    Gamitin natin ang mga araw ng Kwaresma upang maging buhay ang ating pananampalataya.  Ayon sa sulat ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, tayo ay mga “bagong likha” ni Kristo.  Paano ba tayo magiging mga “bagong likha” ng Diyos?    Una, kailangan nating malaman na ang pinag-ugatan natin bilang tao ay hindi kasalanan kundi ang Diyos, na patuloy tayong nililikha ayon sa kanyang wangis.  Pumapayag ba tayong maging ‘kawangis ng Diyos’?    Ikalawa, kailangan maging “mapaglikha” sa pagpapalaganap at pagpapalalim ng pananampalataya at maipalaganap ang Mabuting Balita lalo na sa mga kabataang bago pa lamang natututo tungkol dito.    Ikatlo, dahil nililikha tayo ng Diyos kay Kristo, kailangang sumang-ayon tayong ‘mabuntis’ at mag-anak ng mga magiging mga anak ng Diyos tungo sa pagiging isang sangkatauhang binabago ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.  Tanggapin natin ang hamon na maging Katoli

Ikatlong linggo ng Kwaresma, C

Tanda ng pagbabago para sa ika-3 ng Marso, sanggayong panahon C, Lk. 13, 1 - 9 Mayroong tinatawag na “just-world hypothesis”.  Alam ito ng marami dahil ito ay maipapaliwanag ng kasabihang “Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.”  Ito rin ang paniniwala ng mga taong nagbalita kay Hesus tungkol sa mga taga-Galilea na pinapatay ni Pilato.  Kung may nangyaring sakuna o kamalasan, ito’y dahil nagkasala sila.    Hindi sang-ayon dito si Hesus.  Sa halip na husgahan nila ang isang pangyayari, nais ni Hesus na anyayahan ang mga taong suriin nila ang kanilang sarili na may pangangailangang lagi ng pagbabago.  Ang pagbabago ay hindi isang pangarap o plano na naiiwan lamang sa isip kundi nauuwi sa gawa o aksyong tigib sa kabutihan upang manaig laban sa kasamaang tulad ng hinahanap na bunga mula sa ubasan.  Ayon nga kay San Pablo, “Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.” (Rom 12,21)  (Fr. Alex Pelayo)

Ika-2 linggo ng Kwaresma, C

Pakinggan ninyo Siya Para sa ika-24 ng Pebrero, sanggayong panahon C,  Lk. 9, 28 - 36 “Ang totoo’y di niya nalalaman ang kanyang sinasabi.” Ito ang pagkalarawan ni San Lukas kay Pedro matapos masaksihan ang pagbabagong anyo ni Hesus.  Pero hindi siya hinayaan ng Ama na magpatuloy sa kanyang nakakalitong kalagayan. Binigyan siya ng direksyon sa kanyang buhay sa pamamagitan ng mga katagang “Ito ang aking Anak, ang aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”    Marami rin sa atin ang litung-lito dala ng mabilis na pagbabago sa ating paligid.  Ang mga iba’t ibang pananaw ay madalas pang taliwas sa pananampalataya. Pero pinaalalahan tayo ng ebanghelyo ito na may makapagbibigay ng tamang direksyon sa ating buhay.  Kadalasan, hindi natin napipili ang Diyos sapagkat mali ang napipili natin.  Ngunit may pinili ang Diyos Ama dahil may mas lubos na nagmamahal sa atin kaysa sa pagmamahal natin sa ating sarili.  Siya ay walang iba kundi si Hesus, “Pakinggan ninyo Siya.”  (Fr. Alex Pelayo)

Unang linggo ng Kwaresma

Unang alay para sa ika-17 ng Pebrero,  sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52 Sa unang pagbasa, pinaalala ni Moises sa bayan ng Israel na sila’y alipin ngunit pinalaya na ng Diyos at tinaguriang Kanyang bayan.  At bilang pagtanaw ng malaking utang na loob sa Panginoon, inalay nila ang kanilang unang bungang nararapat ialay sa Kanya.  Yumukod pa sila bilang tanda ng paggalang at pagsamba sa Dakilang Diyos na may-ari ng langit at lupa.    Sa pagpasok ng Kwaresma, hindi kaya dapat isipin na rin natin ang unang bunga na ating ihahandog sa Panginoon?  Hindi lamang pagbabagong-loob, hindi lamang spiritual ang pagturing natin sa Diyos kundi ang unang bunga, ang “the best” na bunga ng ating buhay ay para lamang sa Kanya.  Kaya pagnilayan ang tamang paghahanda sa Kwaresma – manalangin upang pahalagahan ang Diyos at hindi sarili; mag-ayuno upang makiisa sa Kanyang gagawing sakripisyo; at magkawangga, sapagkat utang nating paglingkuran ang mga aba at nangangailangan.  (Fr. Lito Jo

ika-5 linggo ng karaniwang panahon, C

Paglingkuran ang Diyos Para sa ika-10 ng Pebrero 2013,  sanggayong panahon C, Lk. 5: 1- 11 “Hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo; ngunit isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Ito ang parati nating sinasambit bago tayo magkomunyon.  Hindi tayo karapat-dapat tanggapin ang banal na katawan ni Kristo.  Ngunit bakit natin tinatanggap si Kristo?  Dahil iniutos Niya ito sa atin.  Hindi rin natin karapat-dapat tanggapin ang mga biyaya ng Diyos.  Ngunit bakit tayo nakatatanggap ng mga biyayang ito?  Kasi iniutos ng Diyos na tayo’y mabigyan ng biyaya at pagpapala.     Ganito ang nangyari kay Pedro.  “Gagawin kitang mamalakaya ng tao,” kahit hindi karapat-dapat si Pedro.  Pero pinili siya dahil kalooban ito ng Diyos.    Sana malaman din nating hindi tayo karapat-dapat, pero dahil pinili tayo ng Diyos, maglingkod tayo sa Kanya nang tapat.  Sa mga biyayang binigay niya, alagaan at pabungahin natin ito tulad ng mga aliping tapat sa kanilang Panginoon.  Huwag na tayong magmala

ika-4 linggo ng karaniwang panahon, C

Dumaan si Hesus para sa ika-4 ng Pebrero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 4: 21 - 30 Dumaan si Hesus at umalis matapos na ipagtabuyan siya ng kanyang mga kababayan dahil sa kawalan ng pananalig sa kanya. Bagama’t namangha sila kay Hesus noong siya’y nagbasa sa sinagoga, hinamak naman nila ang kanyang pagkatao dahil kilala nila ang kanyang mga magulang.  Saan ngayon nanggaling ang kanyang kapangyarihan?    Sinabi ni Hesus, “Walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan.”  Wala silang tiwala sa kapangyarihan ni Hesus. Alam din ni Hesus ang kanilang layunin. Ayaw niyang maniwala sila sa kanya dahil lamang sa kababalaghan kundi sa pagtanggap sa kanya ng buong kalooban at hindi napipilitan lamang.    Ganoon din ang gagawin ni Hesus sa atin - dadaanan lang tayo dahil di natin siya napapansin.  (Fr.  Maico Rescate)

Ikatlong linggo ng karaniwang panahon, C

Pagkamangha kay Hesus Para sa ika-27 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 1: 1-4, 4: 14 - 21 Pagkatapos na basahin ni Hesus ang bahagi ng aklat ni Propeta Isaias kung saan nakasaad, “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,” sinabi niya, “Natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan samantalang nakikinig kayo.”    Siya na nga ang hinihintay ng marami, sapagkat nakita nilang napapagaling ni Hesus ang mga maysakit at napapalayas niya ang mga demonyo sa mga inaalihan nito.  Ang kanyang salita ay may kapangyarihang kaiba sa mga eskriba.    Ang kanyang katanyagan ay umabot na sa iba’t ibang bayan. Kaya naman sa kanyang pag-uwi sa bayang nilakhan niya, gaya ng nakagawian, pumunta siya sa sinagoga.  Sa pagbasa ng Aklat ni Propeta Isaias, ang lahat ay namangha, lalo na nang sabihin niya, “Natupad ngayon ang bahaging ito ng kasulatan …”  Lahat ng nasa sinagoga ay napatingin sa kanya.    Tayo ba ay napapamangha kay Hesus sa mga milagrong nangyayari sa araw-araw nating buhay?  (Fr. Maico Res

Kapistahan ng Sto. Niño

Pagiging bata para sa ika-20 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 2: 41 - 52 Sa Dakilang Kapistahan ng Sto. Niño, pinaalalahan tayo ng Inang Simbahan na huwag ituring na anting-anting o instrumento ng pagiging swerte ang kanyang banal na imahe, kundi gawing modelo ang Batang si Hesus bilang isang batang may malinis na puso.    Ang pagiging bata ng Panginoo’y nangangahulugan ng pagtalima’t pagkadalita.  Ang bata’y tumatalima sa kanyang Ama.  Siya ri’y abang walang inaasahan kundi ang Ama.   Ikalawa, nilalarawan ng batang si Hesus ang kadakilaan ng Diyos Ama na Siyang nagkakaloob sa atin ng buhay dito sa lupa.  Nawa’y magpakumbaba tayo sa harap ng ating Ama.  Ikatlo, huwag nating dulutan ng kasalanan o iskandalo ang mga bata dala ng makasalanang pamumuhay.  Igalang din natin ang proseso ng buhay, simula sa paglihi nito.  Igalang ang buhay na nasa sinapupunan ng ina.    Tularan natin si Hesus na tapat na Anak ng Diyos Ama para sa ating lahat. (Fr. Lito Jopson)

Bautismo ng Panginoon

 Sumisid sa dagat ng Diyos  Para sa ika-13 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 3: 15 - 16, 21 - 22 Ayon sa turo ng Simbahang Katoliko, ang binyag ay orihinal na nanggaling sa salitang Griyegong “baptizein” na ibig sabihi’y sumisid o ilubog.  Ang ilubog ang isang tao sa tubig ng binyag ay nangangahulugan ng pagmatay sa pisikal na buhay upang siya’y magkaroon ng bagong buhay kay Kristo.     Kung 80% ng mga tao ay nabinyagang Katoliko, nararanasan ba nila ang bagong buhay kay Kristo?  Paano ba natin mapapangalagaan ang mga biyayang dulot ng binyag?     Una, dahil alam na natin na niligtas tayo ni Kristo, wag na po tayong manatili sa dilim.  Ikalawa, kailangan nating palakasin at hubugin ang pananampalatayang natanggap natin noong tayo’y bininyagan.  Ikatlo, dahil tayo ngayon ay nakasisid sa dagat ng karanasang pantao, dapat hindi tayo maghawaan sa paggawa ng kasalanan kundi sa paggawa ng kabutihan.  Sa pamamagitan ng binyag tayo’y nagiging isang pamilya, isang Simbahang sinasa