Posts

Showing posts from September, 2012

Ika-25 linggo ng Karaniwang Panahon

Kapakumbabaan para sa ika-23 ng Setyembre 2012, sanggayong panahon B, Mk. 9: 30 - 37 Ayon kay Marcos, ayaw ipaalam ni Hesus na naroon siya.  Tila ayaw niyang ipagkamaingay ang kanyang pagdating.  Ang pagpasok ni Hesus sa Galilea ay tanda ng pagpasok niya sa Herusalem upang gawin ang kalooban ng Ama.  Ito’y ang pag-aalay ng kanyang buhay, pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay – lahat para sa atin.    Ang kababaang-loob ni Hesus ay dapat nating tularan.  Paglingkuran natin ang mga tao, lalo na ang mga aba; hindi ang paglilingkod na ang nais nati’y makita ang mga mukha natin sa tarpaulin upang botohin tayo sa susunod na eleksyon.  Kinalong ni Hesus ang isang bata na tanda ng isang lingkod na walang kapangyarihan ngunit katang-itangi sa mata ng Diyos.  (Fr. Lito Jopson)

ka-24 linggo ng Karaniwang Panahon

Sino ako sa inyo? para sa ika-16 ng Setyembre 2012, I, sanggayong panahon B, Mk. 8: 27 - 35 Hindi lamang ang kanyang mga alagad noon ang tinatanong ni Hesus kundi tayo rin, “Sino ako sa inyo?”    Mula noong tayo’y binyagan hanggang ngayon, ano ang pagkakilala natin kay Hesus?  Masasabi ba natin gaya ng sinabi ni Pedro “Kayo ang Kristo”? Handa ba natin siyang sundan dahil siya ang Mesiyas?  Pinapasan ba natin ang “krus” na iniatang sa ating balikat nang may pagpapakasakit at hindi nagrereklamo; sa halip ay may kasiyahang pinapasan ito dala ng pagmamahal sa Panginoong nagmamahal sa atin?    Ang pagpapasan ng krus araw-araw ay tugon natin sa Panginoong Hesus na unang nagmahal sa atin.  Kung tatangapin natin ang “krus” na iniatang sa atin ni Hesus na may kasiyahan sa ating kalooban, tiyak na matutuwa siya habang pinagsusumikapan natin siyang sundin.  (Fr. Maico Rescate)

Ika-23 linggo ng Karaniwang Panahon, B

Mabuksan! para sa ika-9 ng Setyembre 2012, sanggayong panahon B, Mk. 7: 31 - 37 “Efata!”,  ibig sabihi’y “Mabuksan!” Sinabi ni Hesus ito sa isang lalaking bingi at utal. Pagkasabi ni Hesus, nakarinig, nawala ang pagkautal, at nakapagsalita nang malinaw ang lalaki. Nalinis ang kanyang tainga at lumuwag ang kanyang dilang dati’y maysakit sanhi ng kasalanan. Dala ng kanyang kapansanan, siya’y binalewala ng lipunan.    Sa paghipo sa kanya ni Hesus, gumaling ang lalaki, naibalik ang kanyang dangal bilang tao, at naging malaya makihalubilo sa mga tao.  Ipinakita ni Hesus ang kanyang awa at habag sa taong pinagkaitan ng boses at pandinig.  Wala siyang itinatanggi ninuman; para sa kanya lahat ay pantay-pantay.  Kung kinakailangan  ng tulong, ito’y kanyang tutulungan.    Sana ay mabuksan din ang mga tainga natin upang hindi tayo  maging bingi sa tawag ng mga taong nangangailangan ng tulong.  Sana ay lumuwag din ang mga dila natin upang hindi tayo maging pipi sa mga humihingi ng katarungan

Ika-22 linggo sa karaniwang panahon, B

Maging maawain sanggayong panahon B, ika-2 ng Setyembre, Mk. 7: 1-8, 14-15, 21-23 “Hindi ang pumapasok sa tao mula sa labas ang nakapagpaparumi sa kanya kundi ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa kanya.” Ito ang matapang na turo ni Hesus sa mga taong mapagkunwari at mapaghusga ng kapwa ayon sa pamantayang ginawa nila upang ituring ng nakararami na matuwid sila.    Ito ay babala para sa ating lahat na maging maunawain, mahabagin at mapagpatawad sa iba sapagkat sila rin ay larawan ng ating mismong kahinaan at kamalian. Ang tanging batayan ng tama at mali ay ang pamantayan ng pagmamahal na ipinamalas sa atin ni Kristo. Kaya nga ang bilin sa atin ni apostol Santiago ay hindi sapat na pakinggan lamang natin ang Salita ng Diyos, marapat na ito ay isabuhay natin.    Di ba’t ito ang hamon ng ating pagdarasal, pagsimba at pag-aaral ng Salita ng Diyos? Kung kaya nga dapat lagi nating suriin ang laman ng ating puso at isipan upang maiwasan ang masasamang kaisipan at damdamin sa kap

Ika-21 linggo sa karaniwang panahon, B

Ang Banal ng Diyos Sanggayong panahon B, ika-26 ng Agosto, 2012, Jn. 6: 60 - 69 Napakahalaga sa buhay ang pagkakaroon ng malinaw na pakikipag-ugnayan at kongkretong karanasan sa Diyos. Tulad ng mga Israelita, mahalagang alalahanin natin ang mga ginawang pagliligtas sa atin ng Diyos, upang sa pagdating ng bago at matinding pagsubok ay batid na natin ang nararapat nating gawin - ang manalig at magtiwala sa Kanya.  Dapat ang ating relasyon sa Kanya ay tulad ng mag-asawa: sinusunod, inaalagaan at ginagabayan ang bawat isa. Kailangan natin ang Espiritu Santo upang maunawaan, matanggap at makayanan ang ilang mapapait, masasakit at mabibigat na karanasan dulot ng pagsunod natin kay Kristo. Ito ang karanasan ni Kristo noong yakapin Niya ang ating pagkatao.  Sa pamamagitan nito ay bigyan Niya tayo ng halimbawa kung kaya sinabi ni Pedro “Saan kami pupunta? Nasa Iyo ang mga Salitang nagbibigay Buhay…Ikaw ang Banal ng Diyos.” (Sem. Jojo Unlayao)

Ika-20 linggo ng Karaniwang Panahon, sanggayong panahon B

Kanin ninyo Ako  para sa ika-19 ng Agosto 2012,  Jn. 6: 51 - 58   Sa unang pagbasa, nag-aanyaya ang Karunungan na kumain ang tao sa kanyang piging.  Sabi niya, “Ang kulang sa kaalaman, dito ay lumapit.”  Bakit kaya nagmistulang isang tao ang Karunungan na nag-aanyaya na kumain tayo sa kanya?      Marahil nasisilayan na natin ang kasagutan – maraming tao ang kumakain ngunit di nabubusog; kumakain sila ngunit hindi marunong magbahagi.  Ang mga taong ang pinagtatrabahuhan ay ang pagkain lamang dito sa lupa ay hindi nababalutan ng karunungan.           Inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesukristo na kainin ang tunay na tinapay – Siya mismo.  Lunukin natin ang lahat ng kanyang mga tinuro.  Tularan natin ang pag-aalay ng kanyang sarili alang-alang sa kapwa.  Pagkatanggap natin sa kanya sa bawat Eukaristiyang dinadaluhan natin, maging pagkain rin nawa tayo sa ating kapwang salat sa pagkaing espiritual at materyal.  Makikita nating ang pagkaing ating tinanggap at binabahagi sa iba ay mag