Wag kang bumalik sa Emaus!

Ika-3 Linggo ng Muling Pagkabuhay, Sanggayong A, Mayo 3, 2011 (Lk. 24: 13 - 35)

Mapalad ang mga apostol na naglalakad patungong Emaus dahil sa kanilang kaamuang –loob.  Dahil dito, natanto nilang kasama-sama nila si Kristong nagpaliwanag sa kanila tungkol sa Salita ng Diyos at nakilala nila siya nang pinagpira-piraso niya ang tinapay.  Kung matitigas ang kanilang ulo, mananatiling patay si Kristo sa kanila.
   Maaring ang lumang mundo natin ay Emaus, isang pook ng mga kinasanayan natin sa paggawa ng kasalanan.   Ngunit doon ay walang buhay.  Nawa’y tulad ng mga apostol na bumalik sa silid kung saan idinaos ang huling hapunan, tayo ri’y makabalik sa pook kung saan una nating nakilala si Kristo, narinig ang kanyang mga salita, at nasaksihan ang kanyang kapangyarihan at pag-ibig.  Sa pagkakakilala natin kay Kristo araw-araw, hinuhubog niya tayo upang magmahal, magsamba ang maglingkod sa Diyos at paglingkuran din ang ating kapwa.  (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya