Mabuting Pastol

Ika-5 Linggo ng Muling Pagkabvhay, Sanggayong A, Mayo 15, 2011 (Jn. 10, 1 - 10)

Isang “wake-up call” para sa ating mga Kristiyano ang ganapin ang papel ni Hesus bilang “Mabuting Pastol” sa pagpapastol ng ating mga kawan o B.E.C.
   Ang Mabuting Pastol ay nagtitipon at hindi nagkakalat.  Nawa’y walang nagkakalat na mga tupa ng Panginoon.  Huwag din tayong manatili sa pag-alaga ng mga kauri lamang natin kundi tipunin ang mga tao patungo sa Panginoon.
   Ikalawa, inaalagaan ng Mabuting Pastol ang kanyang kawan.  Dinadala niya ito sa masaganang pastulan.  Saan ba natin dadalhin ang ating mga pamayanan o kapitbahayan?  Huwag nating hayaang magutom ang iba; bagkus, sikapin nating maging busog sa Mabuting Balita ang ating kapwa.
   Ikatlo, inaalay ng Mabuting Pastol ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang kawan.  Hindi man natin maiaalay lahat ng ating buhay, ngunit sapat na ang mag-alay ng ikapu ng ating oras, talento, at kayamanan upang gawin ang plano ng kaligtasan ng Diyos.  Huwag tayong makuntento sa malamyang paglilingkod sa Diyos.  Kung lubos ang pag-aalay natin sa kanya, bibigyan din niya tayo ng mga biyaya, siksik, liglig, at umaapaw!   (Fr.  Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba