Maging mga anak ng liwanag

Ika-4 linggo ng Kwaresma, sanggayong A, Abril 3, 2011, Jn. 9: 1 - 41

Pinakikita ng kwento ng lalaking bulag si Kristo bilang ilaw ng sanlibutan.  Hinahamon ng Ebanghelyo ang bawat isa: “Naniniwala ka ba sa Anak ng tao?” “Opo, Panginoon, nananampalataya po ako!” (Jn 9: 35 – 38) masayang tugon ng lalaking pinanganak na bulag na nagbibigay ng tinig sa mga mananampalataya.  Ang mirakulo ng pagpapagaling ay isang tanda na nais ni Kristo na hindi lamang na bigyan tayo ng paningin kundi buksan ang mata ng ating kalooban upang palalimin pa ang ating pananampalataya at matanto natin siya bilang ating Tagapagligtas.  Iniilawan niya ang anumang madilim sa ating buhay at dinadala tayo upang mamuhay bilang mga “anak ng liwanag.” (Papa Benedicto XVI, mensahe para sa Kwaresma, 2011)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba