Bigyan ako ng maiinom

“Bigyan ako ng maiinom”
Ika-3 linggo ng Kwaresma, sanggayong A, Marso 27, 2011, John 4:5-42
Si Kristong humihingi ng maiinom sa babaeng Samaritano ay pahiwatig na pati ang Diyos ay nauuhaw rin sa pagmamahal para sa lahat ng tao at nais niyang mapunuan tayo ng “bukal ng tubig sa kaloobang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan.” (Jn. 4:14)
   Ito ang biyaya ng Espiritu Santo na binabago ang mga Kristiyano bilang mga tunay na tagapagsamba na may kakayanang manalangin sa Ama sa “Espiritu at sa katotohanan.” (Jn. 4:23)  Dito sa tubig na ito lamang mapapawi ang uhaw natin para sa kabutihan, katotohanan at kagandahan!  Sa pamamagitan nitong tubig na binigay sa atin ng Anak, madidiligan ang ating mga kaluluwang naghahanap ng kapahingahan, hanggang sa “matagpuan natin ang kapayapaan sa Diyos”, tulad ng sinabi ni San Agustin. (Papa Benedicto XVI, mensahe para sa Kwaresma, 2011)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya