Pagtupad sa batas ng Diyos

Ika- 6 na linggo sa pangkaraniwang panahon, Sanggayong A, Pagbasa: Mt. 5: 17 - 37


Si Kristo ang kaganapan ng batas; hindi niya tinutulan ito; mas lalo pa niyang ginanap niya ito. 

Ngunit tinuturuan tayo ni Kristo na ang pagiging Kristiyano ay mas higit pa sa external na pagtupad sa batas.   Sapagkat nais ni Kristo na tayo'y maging ganap na ating pag-ibig sa Ama, nais Niyang ipaalala sa atin na kailanman hindi pinahihintulutan ng Diyos na tayo ay magkasala kaninuman, hindi lamang sa gawa kundi sa isip at puso. 

Hindi lamang sa pisikal na pagpatay sa kapwa tayo nagkakasala kundi sa pagpatay sa kanila sa ating isipan at kung patuloy natin silang sinisiraan sa ating kapwa.  Hindi lamang sa aktuwal na paghihiwalay ng mga mag-asawa nagkakasala ang tao sa Diyos kundi sa kung sinuman ang naghahangad na makiapid sa iba sa kanyang isipan.

Ang kabanalan nati'y dapat maging salamin ng kabanalan ng Diyos, walang labis, walang kulang.  At nawa'y nababanaag ito sa isip, sa salita, at sa gawa.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya