Sino ang mapalad?

Ika-4 linggo ng Karaniwang Panahon, sanggayong A, Enero 30, 2011, Matt. 5, 1 - 12

Bakit kaya ang mga mahihirap  ang itinataas ng Diyos?  Bakit kaya espesyal sila sa Kanyang paningin?

Una, ang pagiging dukha ay salat at nangangailangan ng tulong.  Wala na silang ibang matakbuhan kundi ang Diyos lamang.  Ang  mga dukha, mga matatandang naiwan sa convalescent homes, at mga bata sa sinapupunan na nais ilaglag ng kanyang mga magulang, ay walang ibang tagatanggol maliban sa Diyos lamang.

Ikalawa, nalulugod ang Panginoon sa mga taong may diwa ng pagkadalita dahil hindi sila abala sa mga alalahanin ng mundo.  Ang puso nila’y payak para sa Diyos lamang.

Ikatlo, tahas na pinaglilingkuran ng mga taong mapagkumbaba ang Diyos.   Sa kanila natutupad ang Kanyang mga balakin at kalooban.  Sa lahat ng mga ito, ang tao’y tunay na mapalad.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya