Kilala mo ba ang iyong sarili?

Ika-5 linggo ng Karaniwang Panahon, sanggayong A, Pebrero 6, 2011, Matt. 5, 13 - 16

Kung sino ang lumalapit at tumatalima sa Panginoon ay mas nakikilala ang kanyang sarili.  At para sa Panginoon, hindi tayo kasing makasalanan tulad ng pananaw natin. 

Una, tayo pala’y asing nagbibigay alat sa buhay.   Sa bawat galaw ng Panginoon, lahat ay nagagawaran ng buhay.  Ikalawa, tayo ay ilaw ng sanlibutan.  Ang unang ilaw ay si Kristong muling nabuhay at nagbigay ilaw sa mundong nabalutan sa dilim.   Huwag nating ikahiya ang pagpapakita ng mabubuting gawa; ang unang makikinabang ay ang ating mga anak dahil nakikita nila ang ating mabubuting halimbawa.  Samakatuwid, sa dalawang larawang ito, ang sinasalamin ng buong buhay ay si Kristo at wala nang iba.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba