Banal na Pamilya

Kapistahan ng Banal na Pamilya, 26 Disyembre, sanggayong A, Jn. 20, 1-8

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Pamilya, bigyang natin ng ibayong paggalang sina Hesus, Maria at Hose sa pagiging instrumento ng pag-ibig ng Diyos at pagnilayan na rin natin ang kabanalan ng ating pamilya.
   Maraming suliranin ang bumabalot sa kasagraduhan ng pamilya; ang pinakamalala ay ang pagpasa ng RH bill na sa bandang huli’y pinahihintulutan ang aborsyon ng mga bata sa sinapupunan ng ina.
   Ang bawat pamilya ay nakaugat sa pamilya ng Diyos na ating Ama, kung kaya tayong lahat ay magkakapatid.  Bigyan natin ng ligaya ang bawat miyembro; alagaan ang mga magulang sa kanilang katandaan; pag-ibig ang pairalin at hindi kasakiman at pagkakanya-kanya.  Hesus, Maria, at Hose, ipakita niyo sa amin ang daan patungo sa langit at buhay, Amen!   (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba