Ang ating misyon

Ika-3 linggo ng Karaniwang Panahon, sanggayong A, Enero 23, 2011, Matt. 4, 12 - 23

Tulad ng mga apostol, lahat tayong mga nilalang ay may natatanging papel na dapat gampanan sa mundo.   Bawat isa sa atin ay tinawag ng Diyos upang magmahal sapagkat iyon din ang ibinuhos niya sa atin.  Kung akala nating hindi tayo tinawag upang magmahal tulad ng Diyos, para na rin tayong mga patay na nahiwalay sa bukal ng buhay.  Ang unang misyon natin ay magmahal.

Ang ikalawang misyon natin ay akayin ang ating kapwa patungo sa Diyos.  Ang ikatlong misyon natin ay makauwi nang ligtas sa ating langit na tahanan kasama ang ating mga mahal sa buhay.

      Kung magagawa natin ang lahat ng ito, siguradong hindi natin aaksayahin  ang ating buhay.  Mas magiging makahulugan ito at puno ng pagpapala!

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba