Magdiwang!


Siglo C
Ebanghelyo: Lk. 3: 10-18
Linggo ng Gaudete
Ang kaligayahan ba natin ay kasinsaya ng kaligayahan ng Diyos o sa isang lingkod na ang Diyos ang kanyang tanging yaman?
Maliban sa iilang mga pagkakataon, ang ligaya natin ay napakalayo sa ligaya ng Panginoon. Una, ang ligaya ng Diyos ay dahil sa kanyang kapangyarihan. Wala nang makatatalo sa kanya. Malungkot lamang at tila pinag-aaway natin ang ating pinahahalagahan at ang sa Diyos. Tayo rin ang talo.
Ikalawa, ang kanyang kaligayahan ay tinamo niya sa pamamagitan ng paglilingkod o pagiging alila. Sa pamamagitan ng pagiging alipin, ginawa niya tayong malaya. Sino pa rin ang ayaw maglingkod? Hindi siya maligaya.
Ikatlo, ang kanyang kaligayahan ay batay sa purong pagmamahal sa atin. Kaya sa ebanghelyo, hinihimok tayo ni Juan Bautista na magbigay ng tubig sa mga nauuhaw at pagkain sa nagugutom. Sapagkat alinman ang ating gawin, kung ito'y dahil sa pagmamahal, marami ang mahihikayat sa Diyos.
Nawa’y ang pag-ibig ng Diyos ang magsilbing inspirasyon sa atin upang mapagwagian natin ang mga balakid ng ating buhay at maihanda ang daraanan ng Panginoon.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya