Dakilang hari

Kapistahan ng Kristong Hari, Siglo B
Ebanghelyo: jn. 18: 33 - 37

Ipinahayag ni Hesus na siya ay hari. Ang hari ay hindi lamang ang makalupang haring nalalaman natin; pinakamatinding kahulugan ng hari ay tagapagligtas o Mesiyas. Alam ba talaga natin ang sakop at lalim ng pagkahari ni Kristo? Kung alam lamang natin, hindi natin gagawing iwan ang Panginoon o maging malamig sa ating paglilingkod sa Kanya.

Ikalawa, sinabi ni Kristo na ang kanyang pagkahari ay wala sa mundong ito at ang kanyang mga alagad ay hindi siya hahayaang magdusa. Ang panawagan sa pagiging alagad ng ating hari'y nangangahulugan ng pagtatanggol sa Panginoong ating minamahal. Ipagtanggol at ipagmalaki natin ang ating pananampalataya at huwag natin ikahiya si Kristo.

Ikatlo, nangangailangan ng isang radikal na pagtalima sa paghahari ng Diyos at hindi isang pasibong pagganap ng pananagutang Kristiyano. "Maging saksi sa katotohanan" ang panawagan ni Kristo. Ano itong "Revolution of the heart?" Ito'y tahasang pagdedesisyong hindi susunod sa agos ng mundo; bagkus, labanan ang agos at magbigay-saksi sa Diyos upang matularan ng ating kapwa. Mas masisilayan ang paghahari ni Kristo hindi sa kabilang buhay kundi sa ating daigdig.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba