Bagong simulain

Ika-33 linggo ng pangkaraniwang panahon, siglo B
Pagbasa: Mark 13: 24 - 32

"Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kahirapang iyon, ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag ..." ang larawang pinakikita ay pagkagunaw ng daigdig. Ngunit hindi lamang daigdig ang magugunaw; ang tao at ang kanyang makasalanang gawain ay nagdudulot ng pagkagunaw ng buhay ng kanyang kapwa.

"Sa oras ding iyon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating, na nasa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ..." Malinaw ang natatanging papel ng Panginoong Hesukristo sa kasaysayan ng kaligtasan sa langit at sa lupa. Maliwanag ba sa ating kung sino si Kristo?

"Kapag ang sanga nito ay nananariwa na at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-init." ... Ang katapusan ng mundo ay hindi lamang tungkol sa pagkagunaw kundi isang pangako't pag-asa. Pangako ito ng isang daigdig na binago ni Kristo at pinalaya sa lahat ng kasalananan. Ito ay pag-asa dahil napakaposible itong maging katotohanan; na ang lahat sa buhay ay mababago nang naaayon sa kalooban ng Diyos; at ang paglilingkod ay tunay na maligayang gawain.

Ang kawan ba'y maligayang nag-aantabay sa pagdating ng Panginoon?

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba